Tuesday, August 30, 2011

Noli Me Tangere SCENE 1- Ang Hapunan


Narrator: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marahil ay maraming nagdurusa. Maraming nagtatahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayo’ng mga kalaban ko, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin, NOLI ME TANGERE.

Narrator: Alamin ninyo ang kuwento ng mga tao dito sa bayan ng San Diego; maraming malungkot, masungit, marami din ang nagsasaya, parang walang problema, o di kaya’y nagkukunwaring walang problema.

Tiya Isabel (Jannah): Diyos ko! Naririto na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagdating. Ay naku, Tiago, diyos ko, nasaan ka na! Ang mga bisita mo nandirito na, maghintay lang kayo dito ha, saglit lamang.

Padre Damaso (Dandy): Tsk, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo dito sa San Diego, ngayo’y inilipat ako sa ibang bayan; napakawalang asal na mga Indio!

Tauhan(Faisah): Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito!

Padre Damaso (Dandy): Wala akong pakealam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indio, at makasalanan pa! Hindi marunong magkumpisal, tsk, Walang pagbabago sa kalagayan ng bayan!

Tauhan (Faisah): Eh, Padre, ang sakit mo naman magsalita, parang hindi mong matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak niyang si Maria Clara. Hindi ba kaibigan mo din yung yumaong si Don Raphael?

Padre Damaso (Dandy): Tumigil ka, para kang sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin!

Tiya Isabel (Jannah): Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niyang si… Crisostomo Ibarra (Aaron): “Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong makita kayong lahat.>

Kapitan Tiago (Caspe): Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwanan muna kita.

Crisostomo Ibarra (Aaron): Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na si Raphael Ibarra! sana>

Padre Damaso (Dandy): Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsan ay hindi ko naging kaibigan ang iyong ama!



Kapitan Tiago (Caspe): Ah, kilala niyo na pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan!





Tenyente (de la Torre): Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa?


Crisostomo Ibarra (Aaron): Pitong taon po…


Tenyente (de la Torre): Aaaah…pitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito!


Crisostomo Ibarra (Aaron): Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.


Padre Damaso (Dandy): Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito?


Crisostomo Ibarra (Aaron): Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman kung bakit at paano namatay ang aking ama.

Padre Damaso (Dandy): Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating karamihan sa mga nakatira dito sa lupain ay mga Indio! Napakaliit na bagay ang sinadadya mo rito, walang mahalaga dito sa bayang ito!

Crisostomo Ibarra (Aaron): Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayang Pilipinas tulad ng Inang Bayang Espanya!

Padre Damaso (Dandy): Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang asal, sinasagot pa ang reberensya, parang matalinong magsalita!

Tenyente (de la Torre): Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan siya dati pa at hindi na nagbabago.

Crisostomo Ibarra (Aaron): Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.


Kapitan Tiago (Caspe): Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong gabi, sinundo na siya ni Isabel.

Crisostomo Ibarra (Aaron): Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapat asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din.


Padre Damaso (Dandy): Tingnan ninyo! Kayabangan! Mga binatang pinapayuhan para mag-aral sa Europa, pagbalik rito ay para nang sino! Dapat ipagbawal iyan ng gobyerno!

1 comment: