Tuesday, August 30, 2011
Additional Announcement!
The Casts of Scene 3
Donya Victorina - Marilou
Alfonso Linares - Jonathan
Maria Clara _ Dhy dhat
Tiburcio – Nepth
Kapitan Tiago- Caspe
Noli Me Tangere SCENE 3-
Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara.
Kapitan Tiago (Caspe): O Doña Victorina, kayo pala. Tuloy kayo.
Victorina (Marilou): Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel.
Kapitan Tiago (Caspe): Mukhang may kasama yata kayo—
Victorina (Marilou): Ahh oo--
Alfonso (Jonathan): Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares.
Kapitan Tiago (Caspe): Magandang araw rin sa iyo, iho.
Tiburcio (Nepth): Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara?
Tauhan (Faisah): Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio.
Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara.
Tiburcio (Nepth): Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam?
Maria Clara (Dhi dat): Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor.
Alfonso (Jonathan): Doña Victorina, siya po ba si Maria Clara?
Victorina (Marilou): Oo, Alfonso.
Alfonso (Jonathan): Tunay nga po talagang napakaganda niya.
Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso.
Kapitan Tiago (Caspe): Magandang araw po, Padre Damaso.
Padre Damaso (Dandy): Nasaan na siya?
Kapitan Tiago (Caspe): Nagpapahinga po siya sa kanyang silid.
Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso.
Padre Damaso (Dandy): Maria Clara!
Maria Clara (Dhi dat): Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo.
Padre Damaso (Dandy): Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad.
Maria Clara (Dhy dhat): Opo.
Padre Damaso (Dandy): O sige iha, magpahinga ka muna.
Maria Clara (Dhy dhat): Opo, padre.
Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala.
Victorina (Marilou): Padre Damaso.
Padre Damaso (Dandy): Victorina, sino iyang kasama mo?
Victorina (Marilou): Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw.
Padre Damaso (Dandy): Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos?
Alfonso (Jonathan): Opo, ako na nga po, padre.
Padre Damaso (Dandy): Ano’ng saya ko’t sa wakas ay nakita na kita, iho.
Alfonso (Jonathan): Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala.
Victorina (Marilou): Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre.
The Casts of Scene 2
Basilio - Jonathan
Crispin - Nepth
Sisa – Chei
Sakristan Mayor- dhy dhat
Utusan - Faisah
Guardia civil – Caspe/ Faisah/ Dhy dhat
Alperez - Jannah
Donya Consolacion – de le Torre
Noli Me Tangere SCENE 2-
Basilio (Jonathan): Crispin, eto, hilain mo iyan, sige na, para makauwi na tayo kay nanay.
Crispin (Nepth): Kuya, ganito nalang ba tayo? Gusto ko nang umuwi kay nanay! At tsaka pinagbibintangan pa nila akong magnanakaw dito.
Basilio (Jonathan): Hindi iyan puwede Crispin, mamatay tayong lahat sa gutom nyan.
Crispin (Nepth): Kuya, paano iyan? Pinagbintangan ako na magnanakaw ng Sakristan Mayor! Tatlumpu’t
dalawang piso daw! Papatayin daw ako ng Sakristan Mayor kung hindi ko mailalabas ang pera. Kung ninakaw ko iyon, mailalabas ko! Eh kaso, d naman talaga ako ang nagnakaw. Maniniwala kaya si Nanay sa akin?
Basilio (Jonathan): Huwag kang mag-alala Crispin,
Sakristan Mayor (Dhi dat): Tsk, tsk, tsk, hindi talaga aamin ang batang ito! Ilabas mo na ang pera!
Crispin (Nepth): Kuya! Huwag mo akong iwanan!
Basilio (Jonathan): Crispin!
Basilio (Jonathan):
Basilio (Jonathan): Nanay! Nanay!
Sisa (Chei): Basilio! Diyos ko, anung nangyari sa ulo mo!
Basilio (Jonathan): Nanay, si Crispin po
Sisa (Chei): Oo anak, naniniwala ako, nasaan na ang kapatid mo? Anong nangyari sa ulo mo? Sinaktan ka ba?
Basilio (Jonathan): Wala ito nanay, ah, nadapa lang ako habang papunta rito! Si Crispin po nasa simbahan, hindi siya palabasin ng Sakristan Mayor!
Sisa (Chei): Ano? Diyos ko! Crispin ko! Pupuntahan ko ang simbahan ngayon din! Gamutin ko muna ang sugat mo.
Basilio (Jonathan): Nanay, ayoko na maging Sakristan.
Sisa (Chei): Diyos ko... Ano bang gagawin ko?
Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan.
Utusan (Faisah):
Sisa (Chei): Para sa kura, nais ko
Utusan (Faisah): May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito?
Sisa (Chei): Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin.
Utusan (Faisah): Crispin? Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak.
Sisa (Chei): Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko.
Utusan (Faisah): Hoy! Ina ng mga magnanakaw! ‘Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana sila sa kanilang ama!
Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil.
Guardia Civil (Caspe): Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw?
Sisa (Chei): Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.
Guardia Civil (Caspe): ‘Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin!
Sisa (Chei): Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin.
Guardia Civil (dhi dat): Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak!
Sisa (Chei): Señor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw, maniwala kayo.
Guardia Civil (Faisah): Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila.
Sisa (Chei): Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n’yo na, ‘wag n’yo po akong ikulong…
Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel.
Guardia Civil (Caspe): Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo!
Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa.
Alperes (Jannah): Kamalian ‘yan ng kura! Pakawalan n’yo siya at ‘wag n’yo na siyang gagambalin pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n’yo sa kanya na manalangin siya kay
Agad nilang pinakawalan si Sisa.
Guardia Civil (Caspe): Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa’yo! Ha! Ha! Ha!
Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay.
Sisa (Chei): Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo?
May nakita siyang damit na duguan.
Sisa (Chei): Ano ‘to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako’ ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo!
At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa.
Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil.
Donya Consolacion (de la torre): Mga guardia civil!
Guardia Civil (Caspe/faisah): Bakit po Señora?
Donya Consolacion (de la torre): Sino iyang kumakanta?
Guardia Civil (Faisah): Siya po, ang baliw.
Donya Consolacion (de la torre): Dalhin n’yo siya rito.
Guardia Civil (Caspe): Masusunod po, Señora.
Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa.
Guardia Civil (Caspe): Narito na po siya, Señora.
Donya Consolacion (de la torre): Pakantahin n’yo siya.
Guardia Civil (Dhy dhat): Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!
At umawit naman si Sisa.
Donya Consolacion (de la torre): Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.
Guardia Civil (Faisah): Opo, Señora.
Umalis ang mga guardia civil.
Donya Consolacion (de la torre): Hoy Baliw!
Sisa (Chei): Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw!
Donya Consolacion (de la torre): Sumayaw ka!
Sisa (Chei): Sumayaw?
Donya Consolacion (de la torre): Gayahin mo ako.
Sumayaw ang donya.
Sisa (Chei): Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw!
Donya Consolacion (de la torre): Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw!
Sisa (Chei): Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw!
Donya Consolacion (de la torre): Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw!
Sisa (Chei): Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha!
Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo.
Donya Consolacion (de la torre): Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!
Sisa (Chei): Aray!
Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya.
Alperes (Jannah): Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?!
Donya Consolacion (de la torre): Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na ‘yan!
Alperes (Jannah): Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?
Sisa (Chei): Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!
Alperes (Jannah): Mga Guardia Civil! Bihisan n’yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n’yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.
The Cats of Scene 1 - Ang Hapunan
Tiya Isabel - Jannah
Padre Damaso - Dandy
Tauhan- Faisah
Kapitan Tiago - Caspe
Crissostomo Ibarra - Aaron
Tenyente – de le Torre
Noli Me Tangere SCENE 1- Ang Hapunan
Narrator: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marahil ay maraming nagdurusa. Maraming nagtatahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayo’ng mga kalaban ko, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin, NOLI ME TANGERE.
Narrator: Alamin ninyo ang kuwento ng mga tao dito sa bayan ng
Tiya Isabel (Jannah): Diyos ko! Naririto na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagdating. Ay naku, Tiago, diyos ko, nasaan ka na! Ang mga bisita mo nandirito na, maghintay lang kayo dito ha, saglit lamang.
Padre Damaso (Dandy): Tsk, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo dito sa
Tauhan(Faisah): Padre, isang
Padre Damaso (Dandy): Wala akong pakealam, buwisit, napakatamad talaga ng mga
Tauhan (Faisah): Eh, Padre, ang sakit mo naman magsalita, parang hindi mong matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak niyang si Maria Clara. Hindi ba kaibigan mo din yung yumaong si Don Raphael?
Padre Damaso (Dandy): Tumigil ka, para kang sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin!
Tiya Isabel (Jannah):
Kapitan Tiago (Caspe): Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwanan muna kita.
Crisostomo Ibarra (Aaron): Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na si Raphael Ibarra!
Padre Damaso (Dandy): Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsan ay hindi ko naging kaibigan ang iyong ama!
Kapitan Tiago (Caspe): Ah, kilala niyo na pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan!
Tenyente (de la Torre): Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa?
Crisostomo Ibarra (Aaron): Pitong taon po…
Tenyente (de la Torre): Aaaah…pitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito!
Crisostomo Ibarra (Aaron): Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.
Padre Damaso (Dandy): Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito?
Crisostomo Ibarra (Aaron): Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman kung bakit at paano namatay ang aking ama.
Padre Damaso (Dandy): Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating karamihan sa mga nakatira dito sa lupain ay mga
Crisostomo Ibarra (Aaron):
Padre Damaso (Dandy):
Tenyente (de la Torre): Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan siya dati pa at hindi na nagbabago.
Crisostomo Ibarra (Aaron): Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.
Kapitan Tiago (Caspe):
Crisostomo Ibarra (Aaron): Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapat asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din.
Padre Damaso (Dandy): Tingnan ninyo! Kayabangan! Mga binatang pinapayuhan para mag-aral sa Europa, pagbalik rito ay para nang sino! Dapat ipagbawal iyan ng gobyerno!
Sunday, August 28, 2011
Chapter 1 Isang Handaan (The Script)
Chapter 1 Isang Handaan
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.