Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara.
Kapitan Tiago (Caspe): O Doña Victorina, kayo pala. Tuloy kayo.
Victorina (Marilou): Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel.
Kapitan Tiago (Caspe): Mukhang may kasama yata kayo—
Victorina (Marilou): Ahh oo--
Alfonso (Jonathan): Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares.
Kapitan Tiago (Caspe): Magandang araw rin sa iyo, iho.
Tiburcio (Nepth): Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara?
Tauhan (Faisah): Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio.
Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara.
Tiburcio (Nepth): Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam?
Maria Clara (Dhi dat): Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor.
Alfonso (Jonathan): Doña Victorina, siya po ba si Maria Clara?
Victorina (Marilou): Oo, Alfonso.
Alfonso (Jonathan): Tunay nga po talagang napakaganda niya.
Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso.
Kapitan Tiago (Caspe): Magandang araw po, Padre Damaso.
Padre Damaso (Dandy): Nasaan na siya?
Kapitan Tiago (Caspe): Nagpapahinga po siya sa kanyang silid.
Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso.
Padre Damaso (Dandy): Maria Clara!
Maria Clara (Dhi dat): Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo.
Padre Damaso (Dandy): Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad.
Maria Clara (Dhy dhat): Opo.
Padre Damaso (Dandy): O sige iha, magpahinga ka muna.
Maria Clara (Dhy dhat): Opo, padre.
Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala.
Victorina (Marilou): Padre Damaso.
Padre Damaso (Dandy): Victorina, sino iyang kasama mo?
Victorina (Marilou): Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw.
Padre Damaso (Dandy): Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos?
Alfonso (Jonathan): Opo, ako na nga po, padre.
Padre Damaso (Dandy): Ano’ng saya ko’t sa wakas ay nakita na kita, iho.
Alfonso (Jonathan): Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala.
Victorina (Marilou): Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre.
No comments:
Post a Comment