Basilio (Jonathan): Crispin, eto, hilain mo iyan, sige na, para makauwi na tayo kay nanay.
Crispin (Nepth): Kuya, ganito nalang ba tayo? Gusto ko nang umuwi kay nanay! At tsaka pinagbibintangan pa nila akong magnanakaw dito.
Basilio (Jonathan): Hindi iyan puwede Crispin, mamatay tayong lahat sa gutom nyan.
Crispin (Nepth): Kuya, paano iyan? Pinagbintangan ako na magnanakaw ng Sakristan Mayor! Tatlumpu’t
dalawang piso daw! Papatayin daw ako ng Sakristan Mayor kung hindi ko mailalabas ang pera. Kung ninakaw ko iyon, mailalabas ko! Eh kaso, d naman talaga ako ang nagnakaw. Maniniwala kaya si Nanay sa akin?
Basilio (Jonathan): Huwag kang mag-alala Crispin,
Sakristan Mayor (Dhi dat): Tsk, tsk, tsk, hindi talaga aamin ang batang ito! Ilabas mo na ang pera!
Crispin (Nepth): Kuya! Huwag mo akong iwanan!
Basilio (Jonathan): Crispin!
Basilio (Jonathan):
Basilio (Jonathan): Nanay! Nanay!
Sisa (Chei): Basilio! Diyos ko, anung nangyari sa ulo mo!
Basilio (Jonathan): Nanay, si Crispin po
Sisa (Chei): Oo anak, naniniwala ako, nasaan na ang kapatid mo? Anong nangyari sa ulo mo? Sinaktan ka ba?
Basilio (Jonathan): Wala ito nanay, ah, nadapa lang ako habang papunta rito! Si Crispin po nasa simbahan, hindi siya palabasin ng Sakristan Mayor!
Sisa (Chei): Ano? Diyos ko! Crispin ko! Pupuntahan ko ang simbahan ngayon din! Gamutin ko muna ang sugat mo.
Basilio (Jonathan): Nanay, ayoko na maging Sakristan.
Sisa (Chei): Diyos ko... Ano bang gagawin ko?
Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan.
Utusan (Faisah):
Sisa (Chei): Para sa kura, nais ko
Utusan (Faisah): May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito?
Sisa (Chei): Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin.
Utusan (Faisah): Crispin? Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak.
Sisa (Chei): Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko.
Utusan (Faisah): Hoy! Ina ng mga magnanakaw! ‘Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana sila sa kanilang ama!
Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil.
Guardia Civil (Caspe): Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw?
Sisa (Chei): Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.
Guardia Civil (Caspe): ‘Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin!
Sisa (Chei): Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin.
Guardia Civil (dhi dat): Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak!
Sisa (Chei): Señor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw, maniwala kayo.
Guardia Civil (Faisah): Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila.
Sisa (Chei): Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n’yo na, ‘wag n’yo po akong ikulong…
Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel.
Guardia Civil (Caspe): Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo!
Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa.
Alperes (Jannah): Kamalian ‘yan ng kura! Pakawalan n’yo siya at ‘wag n’yo na siyang gagambalin pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n’yo sa kanya na manalangin siya kay
Agad nilang pinakawalan si Sisa.
Guardia Civil (Caspe): Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa’yo! Ha! Ha! Ha!
Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay.
Sisa (Chei): Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo?
May nakita siyang damit na duguan.
Sisa (Chei): Ano ‘to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako’ ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo!
At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa.
Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil.
Donya Consolacion (de la torre): Mga guardia civil!
Guardia Civil (Caspe/faisah): Bakit po Señora?
Donya Consolacion (de la torre): Sino iyang kumakanta?
Guardia Civil (Faisah): Siya po, ang baliw.
Donya Consolacion (de la torre): Dalhin n’yo siya rito.
Guardia Civil (Caspe): Masusunod po, Señora.
Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa.
Guardia Civil (Caspe): Narito na po siya, Señora.
Donya Consolacion (de la torre): Pakantahin n’yo siya.
Guardia Civil (Dhy dhat): Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!
At umawit naman si Sisa.
Donya Consolacion (de la torre): Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.
Guardia Civil (Faisah): Opo, Señora.
Umalis ang mga guardia civil.
Donya Consolacion (de la torre): Hoy Baliw!
Sisa (Chei): Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw!
Donya Consolacion (de la torre): Sumayaw ka!
Sisa (Chei): Sumayaw?
Donya Consolacion (de la torre): Gayahin mo ako.
Sumayaw ang donya.
Sisa (Chei): Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw!
Donya Consolacion (de la torre): Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw!
Sisa (Chei): Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw!
Donya Consolacion (de la torre): Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw!
Sisa (Chei): Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha!
Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo.
Donya Consolacion (de la torre): Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!
Sisa (Chei): Aray!
Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya.
Alperes (Jannah): Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?!
Donya Consolacion (de la torre): Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na ‘yan!
Alperes (Jannah): Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?
Sisa (Chei): Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!
Alperes (Jannah): Mga Guardia Civil! Bihisan n’yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n’yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.
Best Online Casinos in India (2021) | LuckyClub
ReplyDeleteIndia · luckyclub Swiss · India · Banking · Cricket · Dice · Dice